Saturday, June 30, 2007

ID Picture

kailan lang eh nagapply ako sa isang telco dito sa toronto
eehhhh tumawag ng umaga (as in kagigising ko lang)

interview daw next week

employer: ... we'd like to interview you next week
badong: ok great!
employer: go to 1 mill crescent, bloor
badong: ok, so that's 1 mill crescent bloor right?
employer: umm .. yeah and bring a photo, id and show it to the guard oh and send me your resume
badong: ok, thanks
employer: great!
*click*

after two minutes
badong: paksyet, di ko natanong kung anong size ng picture

eh di chineck ko na iyung ruote ko papunta duon sa place
ala akong makitang mill crescent duon sa area ng office nila
nagbrowse
nagbrowse pa ulit
hayun

mount pleasant pala

after two days
employer: we changed the venue of the interview, just go to bloor st east
badong: ok
employer: great!
badong: oh by the way, what size is the photo?
employer: what photo?
badong: you asked me to bring a photo and id
employer: oh any standard size photo, id will do. just show it to the guard
badong: yeah, what size of photo do i bring? will a 1x1 size be enough?
employer: ohh... that's really small
badong: what size then?
employer: any standard size id with photo
*silence*
badong: oh, thank you i'll bring an id with photo then

webcam

parati akong natutuwa pagmay nakikitang nakawebcam
tempted parating magclick
at heto ngat may nakitang officemate na nakawebcam ngayon lang
itago na lang natin sya sa pangalang ruffagutierezpektas

badong: malay mo iaccept :)
badong: =))
*you do not have permission to view this webcam
badong: aw, ayaw
ruffagutierezpektas: mother 2 ni ruffagutierezpektas eh, sensha na huh,
badong: ohhhh
badong: sorry po
ruffagutierezpektas: nag cha chat kami kase ng sisters ko at anak ko sa qatar
badong: ohhh
ruffagutierezpektas: ok lang, mamaya, si ruffagutierezpektas na
badong: sige po

*closes ym window*

Thursday, June 28, 2007

Warhammer

mahilig akong maglaro simulat sapol
simula sa atari, family computer, snes at ng naggraduate
sa khaki shortpants eh natutong magtable top, comics at rc
hanggang ngayon naman eh lulong pa rin sa computer games at magic cards.

kaya't ng pagpunta namin ng mall eh laking tuwa ko ng makakita ako ng hobby shop.
first impression ko eh parang neutral grounds ang dating

at syempre, di nakatiis at pumasok kagad at nagtanong.

badong: hi, would you have booster packs?
attendant: excuse me?!

(aba medyo galit ... ahhh baka di lang masyadong naarawan)

badong: i mean magic cards
attendant: i'm sorry but we don't sell magic cards here
(anong klaseng hobby shop to)

tumingin tingin ...
(hindot, warhammer shop lang pala to)

tumingin tingin na lang sa mga action figures
may lumapit ...
attendant: you like them models ey?!
badong: oh yeah, i play them a lot
attendant: you play warhammer 40k?
badong: yeah, i play them a lot on long hours
attendant: wow, you must have a big group then
badong: oh no, i always play alone

silence...
eerrieee silence ....

badong: i need to be going now ...
(hindot again, wh 40k table top pala hindi wh40k pc rpg)

Monday, June 4, 2007

Bisyo

Ang mahal ng yosi

ang presyo ng isang kaha ay
8.50 canadian marlboro
9.50 us marlboro

+ 15 percent tax

mga mabibili mo with the same price:
- 2 litrong ice cream
- isang sandals na mumurahin
- 3 sakay sa bus
- isang kahon ng chips ahoy

buti na lang nagbaon ako ng marami rami
(baka may kamaganak kayong pupunta dito, pabili na rin, hehe)

Sunday, June 3, 2007

ang coke

nakarating na ko dito sa Canada. Isang buwan na, nuong May 23 pa. Tatlong araw nadelay, pero ibang kwento pa iyun.

niyaya akong magbowling kahapon. maganda ang bowlingan dito, malalaki ang bola. Di tulad ng pinagbobowlingan natin dyan sa may roosevelt sa may munoz. At walang pinboy sa dulo na pwedeng mandaya.

habang naglalaro eh tinanong ako ng waitress

waitress: would you want any drinks sir?
badong: one coke please
waitress: one pop?
badong: no, one coke (di ko gusto lasa ng pop at maliit lang ang bote nuon)
waitress: yes sir, one coke pop soda
badong: (ohh)