Wednesday, July 18, 2007

usapang taxi

sa pakikipagusap at pakikitanong ko nalaman na meron palang tatlong klase ng taxi base na rin sa mga kwento ng mga taxi driver

1. walang oras
2. diritso
3. hapset

walang oras
eh iyung sila ang may ari ng sasakyan at kay misis lang sila bumaboundery (paminsan nagboboundery din sila sa may videokehan)

diritso - heto iyung mga 24 hours magmaneho, 5-5 usually ang byahe nito habang di pa lumalabas ang private na mga sasakyan

hapset naman eh iyung 12 hours lang ang byahe or less than 12 hours kung coding.

subukan nyong magtanong kung asa manila kayo at nasakay kayo sa taxi kung gusto nyong may naririnig sa taxi bukod sa am station.

kayo: (manong/pare/may nhong), hapset ba kayo o diritso?

tyak yon mula sa sinakyan nyo hanggang sa paguwi eh nagkukwento si manong. kung mahinto sya sa pagsasalita at nabitin kayo, sabihin nyo lang

kayo: naholdap na ba kayo o ano, o kaya eh ano ang pinakagrabe nyo ng nasakyan?

pagdi kayo kita eh pwede na kayong umidlip idlip sa hele ng kwento ng driver

kung gusto nyo namang maaliw, eh ishashare ko sa inyo ang isa kong social experiment, pero eh panglalake lang.

DISCLAIMER: KUNG BABAE AT GENDER SENSITIVE KAYO OR KUNG GENDER SENSITIVE LANG KAYO OR BABAEN SENSITIVE LANG KAYO EH MEDYO CRASS ANG MGA SUSUNOD NA LINYA PRESS ALT+F4 TO RECTIFY, BINALAAN NA KAYO

natutunan ko itong social experiment ko nuong laseng na laseng na ko at kailangan kong magising kundi eh lalagpas ako sa bahay namin.

sabihin nyo lang sa nagmamaneho:

kayo:
pare, may chicks ka ba dyan na pwede nating makuha?

ang parate, as in parating isasagot ng driver sa inyo

driver: ahh meron, kaso nasa kay misis ang cell ko
or
driver: naku, asa isang sim ko eh
or
driver: meron dati asa japan na

or any permutation of that type

kung gusto nyong maiba naman, tanong nyo naman kung san makakahanap ng lalake, tapos paki-post na lang ang sinagot ng taxi

0 hirit: