Thursday, July 12, 2007

tuyong bawang

kahapon naman eh nautusan akong bumili ng bawang, kamatis at laurel
dito ko hustong namimiss ang pinas
ala kasing palengke dito na pwede ka bumili ng patingi tingi
pucha isang bawang lang kailangan ko eh isang 5 nakanet ang binigay
paguwi ko dito sa bahay eh pinapabalik sakin ng lola ang mga bawang
tuyo na daw at maski an-an eh di na kayang gamutin sa katuyuan

kaya yun, balik sa ministop dito na ang pangalan eh hasty market

badong: hi, i'd like to replace this garlic i bought awhile ago
cashier: wear'dyubye-it?
badong: oh, here of course
cashier: yeah i know of course, whear'dyubyet-it?
badong: hmmm
cashier: how long ago?
badong: oh, twenty ago

2 hirit:

Unknown said...

syet tama ka dyan badong, gusto ko dito bumili ng isang rolyo ng toilet paper kelangan ko bumili ng anim. Akala ko ganun din yung patatas kaya 6 din binili ko...pwede pala 1 lang tapos titimbangin nila. awa ng dyos yung mga patatas sa tagal na nasa ref ko e tinubuan na ng sangay...malapit na mag multiply.

Nocturnal Sun said...

@ sheila
punta ka na lang sa resto tapos makijingle ka. libreng toilet paper na. nagpunta nga kaming casino sa niagra kumuha kami ng pangkuha ng coins sa slot machine. magagamit sa banyo