banyoquestion
kung walang tissue walang sabon
at tapos ka ng magnumber 2
hand wash lang ang ginamit mo
magbabanlaw ka pa ba?
naisip lang
sa mga nagtatanong kung kamusta na ko sa Canada ...
kung walang tissue walang sabon
at tapos ka ng magnumber 2
hand wash lang ang ginamit mo
magbabanlaw ka pa ba?
naisip lang
napagusapan namin ng mga pinsan ni misis
ang tungkol sa mga inumin.
maski pala wala pa sa legal age eh pwede silang magorder
ng usual bar concoction but without the alcohol. Dito
ang tawag nila eh virgin drinks.
kunwari
- virgin pinacolada
- virgin sex on the beach
kung asa pinas kaya eh meron ding virgin weng weng
tinanong ko naman ang isang pinsan kung ano ang hilig nyang inumin
pinsan: oh, i'm at legal age but i'm not into experimenting stuff. i just normally order sudden comfort
badong: oh, what's in it
pinsan: umm ... whiskey??
badong: oh
...
..
.
badong: OH! (southern comfort)
- Nocturnal Sun ng 9:35 PM 0 hirit
Labels: Badong, drinks, southern comfort
one of the best things of being here is their efficient transport system.
all major establishments are accessible and all scheduled arrival and travel times are being followed.
an ETA for a bus will often always arrive at the designated time and if they happen to be running early they make stops to ensure that they arrive on time. People expect buses and trains to arrive on time and they plot their itinerary with what's posted in the transport terminals.
also, since on time lahat eh tuloy tuloy ang daloy ng sasakyan. Like for example a 45 minute travel time there in manila will get me from caloocan edsa (toyota balintawak sa gilid ng victoria motel sa may sa amin) south bound going into sm.
whereas, comparing the distance and speed of travel here to manila roads, the 45 minute travel time will get you from makati to the fort (kaso sa edsa-valenzuela-commonwealth-katipunan-antipolo-crossing-edsa-whiteplains ka dumaan)
see the difference?
siguro dahil na rin with how they treat commuting as a whole. dito kasi govt owned. so patas patas lahat ng byahe, tapos ticket system so swelduhan iyung mga driver. tapos wala pang conductor na kasama kasi pagsakay pa lang eh bayad ka na
sa atin dyan sa pinas kasi ang mga bus eh privately owned tapos commisioned based pa. did you know that drivers and kundoctors get a 15% commision from ticket sales? kaya naman pagkamay kumaway na pasahero maski nasa left shoulder sila eh pipiliting makuha iyung pasahero (sayang ang kita). tapos dagdag mo pa iyung libreng merienda sa mga sumasampa; libreng mane sa peanut vendor, tabloid sa magdadyaryo, tubig sa mineral water, kick back na pera sa mga holdaper at snatcher pati siguro sa mga sumasampang nagsesermon dati eh may libreng kaligtasan din sila.
Go Train Union Station, Toronto
mga sagot ulit kay keith
keith: pictures pa men! tangina, pansin ko sa bidyo laki ng pinayat mo ah.
badong: halata bang nagygym ako. abangan mo sa may bandang kanan mas maganda ang bagsak ng ilaw duon
keith: kasama nyo sa kwarto si gabrielle?
badong: oo, parang pagbaba mo kasi ng bahay isang malaking kwarto ang basement. kasama di namin iyung lolo at lola ni misis. para kaming tatlong generation na family picture dito kung matulog
keith: may crib sya or sama-sama kayo sa kama? (or hiwalay ka parang ako? hehe)
badong: may crib sya, pero palipat lipat sya kung matulog depende sa sipag. pero kung sobrang pagod kami galing sa byahe or sa kung anumang chores eh sa crib na muna, baka kasi sa sobrang pagod eh magulungan namin.
keith: nagsimula ka na sa stage na "wake up - check baby to see if breathing - sleep for 30mins -wash, rinse, repeat"?
badong: oo men. che check mo din kung nag oo na
hehe.
it is with the same dilemma na umiiwas ng tumitig maski madalas
eh nasasabihan ako ni misis
lalo pa ngayon, eh lecheng summer yan
tapos ang mga babae sa downtown eh nagpapaikot ikot ng
nakasando lang at shorts
napakihrap tuloy tumingin at kailangan eh maglakad ng nakayuko
tulad na lang ng minsan na umikot ako dito sa may neighborhood
pagikot ng kanto eh may didilig ng halaman
medyo may kabataan pa ng bahagya (siguro mga 21)
tapos asa may harapan nila
tapos yuko pa ng yuko
tapos since nagdidilig eh nababasa
tapos sa labas eh may muscle car at may big bike
so malamang eh hindot na malaki ang mister o bf nuon
at syempre since asa baba ang nobya eh asa taas sya or malapit lang
at syempre since alam nyang nagdidilig ang gf eh listo yun
so malamang lang eh kung napatingin lang ako eh
tigok akong pinoy ako
tingin sa baba boy
speaking of titig, madalas akong masabihang masama makatingin.
the main reason for that is i have astigmatism. hindi iyung aastig astig (paglasing ko lang ginagawa to) pero iyun bang sira sa mata. inborn.
it takes a couple of seconds before my eyes can see clearly, especially on a passing object. kaya pagkamay makakasalubong eh di ko na nahahalata na nakatitig na pala ako maski sinusubukan ko lang namang magfocus.
naalala ko iyung isang experience nuong medyo bata bata pa akos a wendys mcu
paakyat ako nuon ng hagdanan at napatingin sa kanan midway para hanapin iyung mga kasama ko.
so tingin pa rin habang nakalapag na sa itaas at papunta na sa mesa ng mga kasama.
bigla na lamang may lumapit na mama at kasama ang kanyang syuuutta
mamangsingkit: fareh, i saw you going up and you were staring at the legs of my gf
badong: huh?
mamangsingkit: nagmamaang maangan ka pa eh huling huli kang nangboboso
badong: kanino? sayo?
mamangsingkit: aba pu!*(@#&^$na mo pala eh, pilosopo ka pa, gusto mo duon tayo sa labas?!!!
badong: bakit anduon ba syota mo?!
mamangsingkit: aba gago ka pala talaga ano
mabuti na lang eh puro mga babae kasama ko nuon at medyo may edad na at naawat kami. kundi nagulpi ako, mukhang nagygym eh
mgakasama: binosohan mo ba iyung kasama nuon?
badong: hindi ah!, di ko sya type, parang nakita kona iyung kasama nya eh, 200 ata iyun
medyo mayroon talagang pagkakaiba on how people interact with each other dito
and dyan sa pinas. i've talked about how people greet each other when they happen to pass each other up.
a lot of the times, and this happens to younger people, mayroong certain angas front pagkamakakasalubong mo sila. maybe because it's a defensive stance on minority perception (or other people call this as reverse discrimination). Ayun bang sa sobrang cautios sa discrimination eh they don't realize that they are somehow isolating themselves and the unwillingness to reach out somehow discriminate other people from reaching out to them. the effect normally is that nakataas ang mga nuo at nagpapakitang astig sila. sa pinas, tawag dito eh mga kulang sa gulping mga kabataan. dito, semi-acceptable. siguro na rin dahil magagaling silang magingglis.
and another caveat when intersecting with other people eh is not to stare at them. no benchmark, pero i guess around 3 seconds is already staring. ilang beses na kong muntik mapahamak dito. like the other day nuong bumili ng frosters sa mac's eh napatinging sa makakasalubong ko (kasi kalbo), hayun, pagkalabas kalbo nga at ang laking puti. pucha kung naka fire na t-shirt iyun eh baka napasigaw pa ko ng bambam bigeleow.
kanina eh naiwanan ako ng bus by two minutes
paksyet na puyo yan di ko talaga alam kung pano isuklay ng tama buhok ko eh
papunta kasi ng turon-ow for an interview
napilitan tuloy magtaxi
pagsakay ng taxi, tanong nagtanong sa driver
englishdriver: where to lad?
badong: downtown brampton
englishdriver: ah, you taking the bus at downtown
badong: no, i got left awhile ago by two minutes
silence
after two minutes
englishdriver: you on your way to toronto?
badong: oh no, to union station only (stop sa toronto) and then i'll transfer ang go to etobicoke (para ala ng usapan)
englishdriver: work?
badong: no, meeting
englishdriver: well i can driver you to etobicoke for 65.00
badong: (hindot humirit) oh no, because i have to meet someone first in downtown before we go to etobicoke
englishdriver: i can wait for him after i drop you off so that it's faster for you
badong: (wow persistent) err.. we're having lunch first ... in ah ... downtown.
englishdriver: that's fine, i'ma eat my sandwich here too, be done once you're ready
yari
napahinto ko din sya eventually, closed answers were not as closed as i thought it was
sa pakikipagusap at pakikitanong ko nalaman na meron palang tatlong klase ng taxi base na rin sa mga kwento ng mga taxi driver
1. walang oras
2. diritso
3. hapset
walang oras eh iyung sila ang may ari ng sasakyan at kay misis lang sila bumaboundery (paminsan nagboboundery din sila sa may videokehan)
diritso - heto iyung mga 24 hours magmaneho, 5-5 usually ang byahe nito habang di pa lumalabas ang private na mga sasakyan
hapset naman eh iyung 12 hours lang ang byahe or less than 12 hours kung coding.
subukan nyong magtanong kung asa manila kayo at nasakay kayo sa taxi kung gusto nyong may naririnig sa taxi bukod sa am station.
kayo: (manong/pare/may nhong), hapset ba kayo o diritso?
tyak yon mula sa sinakyan nyo hanggang sa paguwi eh nagkukwento si manong. kung mahinto sya sa pagsasalita at nabitin kayo, sabihin nyo lang
kayo: naholdap na ba kayo o ano, o kaya eh ano ang pinakagrabe nyo ng nasakyan?
pagdi kayo kita eh pwede na kayong umidlip idlip sa hele ng kwento ng driver
kung gusto nyo namang maaliw, eh ishashare ko sa inyo ang isa kong social experiment, pero eh panglalake lang.
DISCLAIMER: KUNG BABAE AT GENDER SENSITIVE KAYO OR KUNG GENDER SENSITIVE LANG KAYO OR BABAEN SENSITIVE LANG KAYO EH MEDYO CRASS ANG MGA SUSUNOD NA LINYA PRESS ALT+F4 TO RECTIFY, BINALAAN NA KAYO
natutunan ko itong social experiment ko nuong laseng na laseng na ko at kailangan kong magising kundi eh lalagpas ako sa bahay namin.
sabihin nyo lang sa nagmamaneho:
kayo: pare, may chicks ka ba dyan na pwede nating makuha?
ang parate, as in parating isasagot ng driver sa inyo
driver: ahh meron, kaso nasa kay misis ang cell ko
or
driver: naku, asa isang sim ko eh
or
driver: meron dati asa japan na
or any permutation of that type
kung gusto nyong maiba naman, tanong nyo naman kung san makakahanap ng lalake, tapos paki-post na lang ang sinagot ng taxi
nuong asa manila pa ako eh madalas akong makipagkwentuhan kung kanikanino
taxi driver, tindero ng pisbol, nagkakareton ng pares sa makati ave, magtataho
kung sino sino, pwera lang ata sa mga naging boss ko
marami kang matutunan sa mga taong ito at masayang makipagkwentuhan
sa mga kaibigan ko naman or kung maski sino kung di ko feel makipagusap
eh sumasagot na lang ako ng closed answer sa unang tanong, iyun bang pang ala ng follow up. usually sa atin minsan eh
tambay1: kumain ka na?
tambay2: oo eh, ikaw?
tambay1: ah, anong kinain mo
tambay2: manok
kung asa rockwell naman kayo
conio1: ju ate?
conio2: yah noh, i ate at the caf, you?
conio1: not yet eh, let's eat the shiken, you want?
hanggang sa non-stop na ang usapan
pagdi ko feel makipagusap
tambay1: kumain ka na?
badong: oo.
tambay1: aahh
badong: ...
eh di tapos ang usapan
Had myself a big refreshment here.
sa pinas ang pinakamalaki ko na atang nainom eh iyung biggie ng wendy's
dito, medyo semi-normal na malaki itong inumin na to
presenting, frosters
malaki sya, maliit nga lang ang kuha sa picture, pero pramis malaki sya. siguro mga sintaas ng malaking jergens na lotion tapos sinlapad ng platito
at di lang yan, since gawa sa plastic ang baso mas matagal itong mapapakinabangan
at mas maraming gamit kaysa sa baso ng wendy's
akalain mo sa isang froster lang eh pwede ka ng magpalaki ng halaman
pwede mo ring butasan ang kabilang dulo sabay pasok ng kamay sabay sigaw ng captain barbel, kuha ka pa ng isa para magkabilaan sabay pamewang (wonderwomaaannn!!!)
pero ang ultimate na gamit nyan (sa mga tiga pacific star, makinig kayo) sa isang froster ng ganitong size di nyo na kailangan sumilip sa ilalim ng lababo para sa mga bucket ng kfc. isang froster lang eh patok na. kung tutuusin kung may froster dyan eh one stop cleansing cycle na. sa dami nito eh mapupurga ka, tapos wag mo ng itapon ang baso. one igib lang solve na.
frosters, lunas sa almuranas
was cleaning through our stuff here and look what i found!
it's a thumbnail of that controversial IKEA print ad that they have been denying to be altered. They were able to recall 60,000 copies, we didn't return ours.
siguro galing sa empleyadong di pinayagang mag-ot dahil late pumasok kinaumagahan dahil may hangover pa at galing sa inuman sa 6.5 at naalalang di pa sya nagbabayad kay cap (hi cap! kamusta na si magandang kapitbahay?)
sa photoshop na lang dinaan
tignan nyo ng maigi ng makita kung san dapat magbato ng asin
simula ng nasanay na dito eh nabago na ang cycle ko sa pangaraw araw
dati:
gising
unat
kamot eherm
tulog ulit
gising ulit
tubig, yosi
no 2
ligo
ngayon, dahil mahirap na at MAHAL ang bisyo at mayroon ng version 2.0 dito ngayon eh kailangan magadjust. naamoy kasi ng bata pati ang amoy ng yosi based sa studies dito. na apparently eh very focused ang canada sa ibat ibang studies on child development, tobacco and types of things (dami kasi nilang panahon kasi peaceful dito eh at wala na ring magawa, lol)
so ngayon eh
gising
kamot ulo (exposed kami sa basement)
check bata
pakain bata
yosi sa labas (kung wala ng tao)
no 2
ligo
check bata
at kung hindi bagong gising eh kailangang maligo everytime magyosi. so, medyo slowly eh nawawala na ang yosi (literally)
kailangan ko ng magwork para hindi ko na nababasa iyung studies, lol
my aunt went out of the house with my uncle
eh sayang naman kasi makakapagyosi ako ng di ako masisita
(bukod sa mahal ang yosi, mahirap pang magyosi)
tinapos ko muna mga hugasan (-10 minutes)
tapos dahan dahang bumaba sa basement para kunin ang yosi
dahan dahan para di magising ang bata at lalo na
na hindi mahalata ng nanay na magyoyosi ako
labas sa door to the basement
labas sa garahe tapos sarado ng kaunti
ang garage door without locking it
lakad papalayo ng bahay at papunta sa hastey market
a couple of meters to the quest...
*subquest 1 !!!
badong:pak, gamit ko ang tsinelas na pangloob, yari na naman ako pagnahuli
(+10 quest difficulty)
badong: ayus lang, sa garahe ako papasok, di nila mahahalata at papagpagin ko na lang ng husto
lakad ulit, mamaya ko na poproblemahin
halfway through the quest
*subquest 2!!
badong: syet ala nga palang sinturon itong cargo shorts ko dahil
asa bahay lang ako the whole time. eh nahuhulog hulog na ngayon
dahil natatagtag
badong: ayus pa, hawakan ko na lang sa tagiliran. pinasok ko na lang
ang kaliwang kamay para maipit
nakarating na rin sa hasty market, nakabili ng yosi at tapos na angkalahati ng quest
on the way back
may nakasalubong na jamaican-canadian (ah yeah politically correct)
badong: pucha ang sama ng tingin sakin batiin ko na rin
pagkasalubong
badong: hi there
JamaCan: hmm
paksyet parang ala sa ayos ah
ay syet
nakakargo ko, nakasimangot, nakasando, nakasukbit pa ang kamay
sa bulsa, paker baka akalain nya eh may baril ako kaya maangas
(put ya hens up foo!)
nakarating sa bahay, sa garahe dumaan, biglang puntang basement
ligo.
quest done!!!!
wala syang punchline, ala lang akong masulat
we were talking with the taxi driver
on our way from checkup. he's a european,
mid 60's and a tall guy. pagdi ka nakatingin
kala mo eh si james bond and driver mo.
mabitin bitin nga lang ako sa paghihintay
dahil sa typecast ko na malakas magmura mga european
"that eejit bloke"
ang saya ng kwentuhan namin lalo na
magkausap ang may edad na europeang canadian na di nagmumura
at isang matigas na dilang slang na tiga caloocan
driver: fancy here ey!
badong: yes, hey
nabanggit ko din ang paglipat namin sa bagong bahay
driver: yah ye lickat things here'n sudn'ly there's a lot of people
badong: yah, aksheely
driver: too many indians i say ... you look around'n all ye
see're these guys nit. too congested. it's with all these migrants and
all them dark colored migrants.
badong: uhum. yeah, brown like us hey
driver: umm ... ahhh ... no, no. they're darker. way darker i say. only them indians with them dark.
paker
iba ang style ng english na nasanay na tayo sa pinas
at english dito
medyo conscious ako the whole day about intonation
and how i articulate things
especially na madalas akong matawa sa sarili ko
kapagnagkukwentuhan kami ng mga pinsan ni misis
matigas daw ang accent
parang...
kah-meh-rah sa atin
at kam-rah sa kanila
ayh dohnt noe sa atin
ayh dunno sa kanila
about sa atin
abowd sa kanila
habang asa check up kanina eh sinubukan kong
magislang-islangan para masanay lang ba
nagtataas din ako ng kilay minsan baka may
effect ganuon kasi nakikita ko sa mga
prens ko sa faces, padis timog (sa loob ah) at jaloux discothequeofalltime
eh kailangan kong gupitin ang kumpol ng bib ng bata para magamit
badong: haay, gudefternun.
receptionist: hellow
badong: du yu hev zeezzoors?
receptionist: huwat?! wut gevs yu the aydeear thet i hev zeezzoors? WUT DU YU WENHT WUD MY ZEEZOORS IF EYE HEV ENY?!?! HUH?!!
badong: oh, aym sowry, adjust nid two kaht
receptionist: ohh .. OHHH ... i thawt zeezztoorrs ... eye enly hev broodrs
kahapon naman eh nautusan akong bumili ng bawang, kamatis at laurel
dito ko hustong namimiss ang pinas
ala kasing palengke dito na pwede ka bumili ng patingi tingi
pucha isang bawang lang kailangan ko eh isang 5 nakanet ang binigay
paguwi ko dito sa bahay eh pinapabalik sakin ng lola ang mga bawang
tuyo na daw at maski an-an eh di na kayang gamutin sa katuyuan
kaya yun, balik sa ministop dito na ang pangalan eh hasty market
badong: hi, i'd like to replace this garlic i bought awhile ago
cashier: wear'dyubye-it?
badong: oh, here of course
cashier: yeah i know of course, whear'dyubyet-it?
badong: hmmm
cashier: how long ago?
badong: oh, twenty ago
As I briefly mentioned awhile back, libre ang pagpapagamot dito sa canada
as long as you have your healthcard
err.. ako eh wala pa, so bawal magkasakit.
a month and a half
na lang eh pwede na akong magavail
actually i can go with the short term insurance thing or something
that would get me by for three months kaso, kailan ba ko
last nagkasakit or naaccident? (keith kailan nga ba? hehehe)
aside from the medicines and hospitalization there're a lot of
follow up apointment and check up for the mother and the baby
kaya naman sunod sunod rin ang appointment sa family doctor, sa nurse,
sa clinic that hosts training sessions for new mothers
nakabook kami ngayon pero we had to move it (since kakagaling lang ulit sa hospital
ng bata .. it's another story)
misis: pakitawagan mo nga iyung region of peel para magparesked tayo
badong: oks
misis: 2 sasagot sayo iyung una sabihin mo na resked tayo tapos isa pa ulit
badong: ok
dials ..
voice receiver1: welcome to region of peel ... if you wish to talk to an operator please hold the line
operator1: hi, thank you for calling the region of peel, how may i help you
badong: umm, this is regarding our appointment for the breast feeding workshop
operator1: are you do you have an appointment or would you like an appointment
badong: umm .. we'd like to move ours, we already have a schedule
operator1: ok, i'll transfer your call
badong: thanks
voice receiver2: thank you for calling the center for breast feeding ...
misis: pang ilang operator na ba yan?
badong: huh?
misis: pang ilang operator na yan kamo?
badong: pangalawa na
voice receiver2: ... thank you
misis: ahhh, sabihin mo sa friday ah
badong: oks
after 2 minutes
badong: tagal ah, baka natutulog pa sa pancitan
misis: honga, or baka na number 2
badong: hahaha, matagal yon, walang tabo dito eh, hahahahaha
after 2 minutes
badong: tawag na nga lang ulit mamaya
after 5 minutes
operator1: hi, thank you for calling the region of peel, how may i help you
badong: i was the one who called awhile ago, kindly transfer me to the breast feeding center
operator1: ok, please hold
voice receiver2: thank you for calling the center for breast feeding. Kindly leave your name, contact number and purpose after the tone and a coordinator specific to your need will you call you as soon as possible. Press pound sign or hang up once you're done. Thank you
*biglang baba ng phone*
badong to misis: errr ... gaano katagal tayo nagusap kanina?
mga binatong tanong ng daemon frost
1. recovered ka na ba? or still in shock?
- recovered na sa operation
- di pa nakakarecover sa tulog
- in shock pa rin
2. ano feeling nung pinutol mo umbilical cord?
- parang ramdam mo or parang daliri mo iyung ginugupit mo
3. minura ka ba ni misis habang umiire?
- hindi, pagkatapos na ako minura. para mas malutong
4. sino iyung mama na nagsasalita sa bidyo?
- cameraman, ankol
5. nag celebrate na ba ang mga kapitbahay mo sa caloocan?
- hindi pa. in shock pa rin sila na umalis ako ng di nagpapaalam eh.
kala kasi nila nagministop lang ako eh
6. anong lasa nung whiskey? hula ko kasi ang sagwa nun kasi pang mama yun
- men masarap sya parang pawis ng arabo, lagyan mo lang ng maraming coke at yelo lasang coke na
lumabas na last week ang aming bagong project ni misis
2700 grams
18 in
gabrielle maya
we were expecting a boy since that was what turned out in the
ultrasound
pati lahat ng pamahiin eh nagsasabing lalake
swelling, puppps, aura, lorna at si fe
malabo rin namang nagkapalit, since ibang iba ang process
ng pangananak dito at sa pinas
sa pinas usually eh nakatambay lang iyung mga tatay sa labas
kung malakas ang loob eh anduon sa operating room
kung di pa hinihimatay eh malamang nagtatake ng pictures, video o kaya
eh banggaan ng mura ng asawa
dito, they make parents involved in the whole process as much as possible
kaya hindi lang ako saksi kundi ginawang assistant ng nars
i was there as a delivery coach, tigawahak ng binti,
hanggang sa pagputol ng umbilical cord.
kaya siguro libre panganganak dito, hehehe.
eniweys, it's a really good experience.
in a way, us as a parent feels not only as a source of life
but also part of delivering it in the real world
i'll post some pictures once i have them downloaded
in the meantime
habang asa toronto eh naisipan kong magpunta sa library
medyo long walk galing sa opisina ni misis (habang inaantay ko sya)
para kang galing sa pacific star na nagpunta ng glorietta
kumanan sa mcdo greenbelt tapos naisipang may baon ka pala
kaya bumalik ng pacific star
on the way to the library
indianlookingguy: hi friend, goodafternoon
badong: hi goodafternoon to you too
medyo napangiti, parang sinabihan ako ng kaibigan dibidi
indianlookingguy: i need some help mahn
badong: why so?
indianlookingguy: i'm kinda late going to the office and i was wondering if you have a token for the train
badong: i'm sorry but i don't really carry coins
indianlookingguy: no no, i'm not asking for money, i'm just wondering if you have a token for the train
badong: oh, i'm not from here sorry, it's with my wife
sabay lakad papaalis
pagkakanan ko naman after a few blocks eh
swinerte na naman at nilapitan ng russian looking dude
russiandude: hi friend
badong: suuri ... nohh ingglees
maraming mabait dito sa Canada
medyo disoriented kasi lahat ng tao dito
pagkanakasalubong eh bumabati ng goodmorning or goodafternoon
wala pa namang bumabati sakin ng goodnight
sa pinas eh pagkamayroon kang nakitang kakilala
or namumukhaan mo lang eh babatiin mo kagad ng
"oi", or tango papataas lang
maski di mo alam ang pangalan
maski parang naging classmate mo lang yon
sa isang elective na di mo naman pinapasukan
or syota ng pinsan ng kachat mo na nakilala nya sa paradise
basta namumukhaan mo
Finally found a radio station that plays rock
not only rock but a radio station that is purely classic rock! w00t!
funny thing in a nice way is that it closely sounds like NU107,
including the station ID (complete with VO tone)
NU107: home of new rock, NU107
Q107: home of classic rock, Q107
nadaan kami minsan ni misis sa swiss chalet for lunch
waiter: hi, i'm your server for today. what drinks would you like to start with?
eh syempre pinoy, sa makakasulit
badong: one iced tea please, bottomless
misis: i'll have a pinacolada, virgin
ganuon pala yon, pagkavirgin pa eh walang sayad ng alcohol, lol
eniweys ... eh naubos na ang iced tea
badong: hi, i'd like to have a refill please
waiter: excuse me?
badong: oh, the iced tea (pointing to the glass)
waiter: ahh, another one
(biglang alis)
waiter: here you go (putting another glass)
badong: ummm ... wait, i only asked for a refill (magalang)
waiter: you said another iced tea
badong: yes. a refill...
waiter: we put refills in a new glass
badong: oh, teynks (muntik pa kong mapaaway)